
Isang menor-de-edad na motorista sugatan ng barilin ng isang lalaking umagaw sa kanyang motorsiklo nitong Biyernes, August 23, 2024, sa Sitio Salvacion sa Barangay Nabundasan sa bayan ng Tulunan sa probinsya ng Cotabato.
Kinumpirma nitong Sabado ng hepe ng Tulunan police, si Captain April Rose Soria, ang insidente.
Nasa pagamutan na ang sugatang naagawan ng motorsiklo at nagtutulungan na ang kasapi ng Tulunan Municipal Police Station at mga barangay officials sa naturang bayan sa pagkilala sa suspect upang masampahan ng kaukulang kaso. (August 24, 2024, handout photo)