
Isang 15-anyos na lalaki ang aksidenteng nabaril, patay, ang 12-anyos sa kaibigan nitong gabi ng Huwebes, August 22, 2024, sa Barangay Poblacion 1 sa Cotabato City.
Sa ulat ng Cotabato City Police Office nitong umaga ng Biyernes, agad na namatay sa tama ng bala ang lalaking Grade 6 pupil na si Salahudin Salik, nabaril ng kaibigan na mas matanda lang sa kanya ng tatlong taon.
Ayon sa kanilang mga kapitbahay, nasa tabing ilog sa RS Buan Area sa Barangay Poblacion 1 ang magkaibigan ng maganap ang insidente.
May dala-dalang baril ang kaibigan ng biktima na posible diumanong kanilang pinaglaruan kaya siya aksidenteng nabaril sa tagiliran.
Mabilis na tumakas ang kaibigan ni Salik na nakapatay sa kanya, ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador na nagresponde sa insidente. (August 23, 2024, visual aid of photo obtained from Google)