
Isang 23-anyos na kapitana sa isang barangay sa Datu Odin Sinsuat ay naghain ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka representatibo ng 4th regional parliamentary district ng Maguindanao del Norte sa Bangsamoro region.
Ang kandidatang si Bai Shamim Limbona ay incumbent barangay chairperson ng Ambolodto, isa sa mga barangay sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
May alyansa ang kanyang kandidatura sa mga kandidato ng United Bangsamoro Justice Party na kanyang sinusuportahan ang kandidatura para sa regional parliamentary districts sa Maguindanao del Norte, kabilang sa kanila si appointed Maguindanao del Norte Gov. Abdulrauf Macacua na naghain din ng COC para sa pagka parliamentary representative ng isa sa mga distrito sa probinsya.
Handang makipatulungan si Chairwoman Limbona sa mga peace advocacy groups, sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang pulisya at militar at ang Commission on Elections, na nagsusulong ng mga programang naglalayong maging mapayapa at malinis ang 2025 Bangsamoro parliamentary elections. (NOV. 12, 2024)