2 patay, 6 malubha sa aksidente sa Davao City

Dalawa ang agad na nasawi, sina Kristopher Alag at Ruel Aktiva, habang sugatan naman ang anim na iba pa sa salpukan ng isang pick-up truck at isang light cargo truck sa isang bahagi ng highway sa Barangay Buda sa Marilog District sa Davao City nitong gabi ng Martes, October 1, 2024.

Sugatan sa naturang aksidente ang mga sakay ng dalawang sasakyan na sina Larry Dela Cruz, Jessy Abando, Ruel Awe at Elmer Siputan at ang driver na light truck na nakilala lamang na Kerwin, lahat ginagamot na sa isang hospital.

Ayon sa mga imbestigador ng Marilog Police Station, nawalan ng preno ang light truck kaya ito lumihis sa kabilang direksyon ng pababang bahagi ng highway at nasapol ang kasalubong na pick-up truck. (October 2, 2024, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *