P680-K shabu nasamsam sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

Sa kulungan ang bagsak ng isang 34-anyos na lalaki matapos magbenta ng P680,000 na halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong mga pulis sa isang entrapment operation sa Barangay Limbo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Miyerkules, October 2, 2024.

Sa pahayag ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Muslimin Kuwis Kadil na nalambat sa Barangay Limbo ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station na pinamumunuan ng hepe nito na si Lt. Col Esmael Madin

Agad na inaresto si Kadil ng mga kasapi ng Sultan Kudarat police force ng kanila itong nabilhan ng P680,000 na halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Limbo.

Ayon kay Tanggawohn, naisagawa nila Madin ang naturang entrapment operation, na nagresulta sa pagkakumpiska ng P680,000 na halaga ng shabu mula sa naka-detine ng si Kadil, dahil sa mga tip ng mga kakilala nitong may alam sa kanyang malakihang pagbebenta ng shabu. (Oct. 3, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *