Babaeng negosyante sa Maguindanao del Norte, biinaril patay

Patay agad sa mga tama ng bala ang isang babaeng negosyante na pinagbabaril ng isa sa dalawang magkasamang mga lalaki nitong gabi ng Miyerkules sa Barangay Tamontaka sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region nitong Huwebes, nakatayo si Marissa Barrozo sa tapat ng kanyang tindahan ng ibat-ibang mga commercial goods at bottled water sa gilid ng highway sa Sitio Broce sa Barangay Tamontaka ng lapitan ng salarin at paputukan ng ilang beses na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa salaysay ng mga saksi sa mga imbestigador ng Datu Odin Sinsuat Municipal Station, ang pumatay kay Barrozo at ang kanyang kasamang lookout ay mabilis na nakatakas sa kaligtnaan ng kaguluhang sanhi ng mga putok na umalingawngaw sa kapaligiran.

Wala pang linaw sa kanyang mga kamag-anak at mga barangay officials kung ang pagpatay kay Barrozo ay may kinalaman sa kanyang pagiging isang negosyante, o pagka purok leader sa Sitio Broce, isang mataong lugar sa Tamontaka, ayon kay Police Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng PRO-BAR. (Dec, 26, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *