Imbakan ng mga kwitis at paputok sa Upi, Maguindanao del Norte nasunog

Tinupok ng apoy ang isang tindahan ng mga paputok at kwitis sa palengke sa Barangay Nuro sa Upi, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Huwebes, December 26, 2024.

Umalingawngaw ang mga putok sa kapaligiran habang nasusunog ang establisyemento.

Wala namang naiulat na nasaktan, o nasawi sa sunog at maagap namang napigil ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection ang pagkalat nito sa iba pang mga tindahan sa palengke sa sentro ng Upi, isa sa 12 na mga bayan sa Maguindanao del Norte. — DECEMBER 26, 2024

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *