
Isang Isuzu Crosswind ang gumulong-gulong habang bumulusok at lumagpak ng patihaya sa bangin sa gilid ng highway sa Purok 7 Gold sa Barangay Upper Nilo sa bayan ng Tigbao sa Zamboanga del Sur nitong Sabado, September 7, 2024.
Sa ulat ng Tigbao Municipal Police Station, wala namang nasaktan ng malubha, o nasawi sa mga sakay ng sasakyang naaksidente.
Agad silang nabigyan ng first aid ng mga kawani ng Tigbao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ayon sa pulisya at mga barangay officials sa Upper Nilo.
Galing sa Pagadian City ang mga sakay ng naturang sasakyan at patungo sana sila sa bayan ng Lakewood sa Zamboanga del Sur ng maaksidente, dahil diumano sa mechanical trouble. (September 7, 2024, handout photo, Igmat Tigbao)