Tawi-Tawi airport personnel, may bagong staff house

Masaya ang mga government employees na nagseserbisyo sa Sanga-Sanga Airport sa Bongao, Tawi-Tawi sa pagkakagawa ng kanilang P8.7 million na two-storey staff house kung saan sila magpapahinga tuwing matapos ang kanilang trabaho araw-araw.

Sa pahayag nitong Linggo, September 8, 2024, ni Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago, kanilang pinasinayaan nito lang nakalipas na linggo ang bagong staff house, nagawa gamit ang P8.7 million na pondo mula sa General Appropriations Act of the Bangsamoro of 2003.

May walong living rooms, o mga silid ang naturang bagong tayo na staff house, ayon kay Tago.

Ang Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na pinamumunuan ng account-lawyer na si Tago ang namamahala ng Sanga-Sanga Airport sa Tawi-Tawi sa pamamagitan ng kanilang Bangsamoro Airport Authority (BAA) office sa naturang probinsya.

Sa kanilang pinag-isang press statement nitong Sabado, pinasalamatan ng mga kawani ng BAA na sakop ng MoTC-BARMM ang kanilang ministry regional office at si Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa proyektong staff house na kanila ng na-okupa mula pa nitong nakalipas na linggo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *