
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang babaeng biktima ng ambush sa boundary ng Cabangalan at Lagayas sa Tipo-Tipo, Basilan nitong hapon ng Biyernes.
Sakay diumano ng motorsiklo ang biktima ng pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa gilid ng highway na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Inaantabayanan pa ang ulat ng Tipo-Tipo municipal Police Station hinggil sa insidente. (January 10, 2025, handout photo)