Nakapatay ng mag-asawa sa Sultan Kudarat ambush, arestado

Naaresto ng mga pulis ang dalawang nag-ambush sa mag-asawang residente ng Kalamansig, Sultan Kudarat sa isang pursuit operation madaling araw nitong Biyernes, ilang oras lang matapos nilang mapatay ang mga biktima.

Kinumpirma ni Major Rodney Binoya, hepe ng Kalamansig Municipal Police Station, ang pagkaaresto sa dalawang suspects, sina Oting-Oting, 21-anyos, at si at ang 28-anyos na si Mohalidin, ngayon nakakulong na.

Sila ay positibong nakilala ng mga saksi na siyang responsable sa pag ambush sa mag-asawang sina Nestor Rondon at kabiyak niyang si Marilou na isang barangay health worker sa Kalamansig, isang seaside town sa Sultan Kudarat.

Sakay ng motorsiklo ang mag-asawa ng pagbabarilin ng dalawang suspects sa Purok Tambis sa Barangay Santa Clara sa Kalamansig nitong hapon ng Huwebes. Agad silang namatay sa mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang mga katawan.

Nasukol ang mga salarin na sina Oting-Oting at Mohalidin sa Barangay Sangay sa Kalamansig, ayon sa mga municipal officials. (Jan. 10, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *