Isa pang dating provincial governor sa BARMM, pumanaw na

Pumanaw na si dating Tawi-Tawi Gov. Sadikul Adalla Sahali nitong hapon ng Martes, December 31, ayon sa kanyang mga kapamilya at mga local officials ng probinsyang kanyang pinamunuan ng ilang termino bilang gobernador.

Si Sahali, kilalang supporter ng peace process ng Malacañang at ng Mindanao Moro communities, ay nagsimulang maging public servant noong 1980s bilang mayor ng Panglima Sugala, isa sa mga bayan sa Tawi-Tawi na sakop ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao, ngayon Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na.

Si Sahali ay kilalang masigasig na supporter ng peace process ng Malacañang at ng Mindanao Moro sectors at aktibo din sa mga negotiations para maareglo ang mga angkan sa Tawi-Tawi na may mga hindi pagkakaunawaan.

Naunang pumanaw nito lang nakalipas na December 27, 2024 ang dating governor ng Lanao del Sur, si Bedjoria Soraya Alonto-Adiong, ina ng kasalukuyang governor ng probinsya, si Mamintal Adiong, Jr. at ni Lanao del Sur 1st District Congressman Zia Adiong. (January 2, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *