3, isa sa kanila buntis, patay sa highway accident

Patay ang tatlong magkamag-anak habang malubha ang pitong iba pa, apat sa kanila mga bata, na magkasama sa isang sasakyang naaksidente sa Barangay Central Malamote sa Matalam, Cotabato nitong Miyerkules.

Sa ulat nitong Huwebes ni Col. Gilbert Tuzon, Cotabato provincial police director, ang nasawing sina Almira Pillado, ang buntis na si Michelle Pilado at kamag-anak nilang si Liza Rulida, ay mga residente ng Barangay Dalipe sa Mlang, Cotabato.

Patungo sana sila sa Barangay Lumonay sa President Roxas, Cotabato upang dumalo sa isang New Year’s celebration ng mga kamag-anak doon ng biglang nawalan ng kontrol ang driver ng kanilang sasakyan na si Dennis Tayco Pillado dahil sa mechanical trouble kaya ito bumangga sa highway side railing na nagsanhi ng kanilang pagkakatilapon at pagbagsak sa sementong kalye.

Ayon sa mga imbestigador ng Matalam Municipal Police Station, maliban sa tatlong mga agad na namatay sa aksidente, nagtamo ng malubhang mga sugat at pasa sa katawan ang driver ng multicab na mister ng nasawing si Pillado at pitong iba pa, apat sa kanila mga bata.

Ang pitong mga sugatang mga sakay ng multicab ay ginagamot na sa isang hospital, ayon kay Tuzon. (January 2, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *