
Tatlong diumano mga operatiba ng Intelligence Service of the Armed Forces, o ISAFP, ang patay sa ambush sa Barangay Baimbing sa Lamitan City, Basilan nitong hapon ng Huwebes, December 23, 2024.
Sa mga inisyal na ulat ng Lamitan City Police Station at ng Basilan Provincial Police Office nitong gabi ng Huwebes, sakay ng isang van ang mga biktima na mga kasapi diumano ng ISAFP unit na naka-base sa Zamboanga City ng sila ay pagbabarilin ng assault rifles ng mga armadong nakaabang sa kanila sa Barangay Baimbing.
Agad na namatay ang mga biktima sa mga tama ng bala, ayon sa ulat ng mga opisyal ng pulisya sa probinsya sa tanggapan ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
May teorya ang mga imbestigador ng Lamitan City police na may intelligence mission ang tatlong ISAFP agents sa Lamitan City kung saan sila tinambangan na nagsanhi sa kanilang agarang kamatayan. (Dec. 24, 2024)