P59K halaga ng shabu, nasabat sa Davao City checkpoint

Agad na na-aresto ang isang ang isang motoristang nabisto na may dalang P59,636 na shabu ng mga pulis sa isang checkpoint sa Barangay Lacson sa Calinan sa Davao City nitong gabi ng Martes, December 17, 2024.

Nasa kustodiya na ng Davao City Police Office ang suspect na isang alias “Rommel,” naninirahan sa isang bahay sa Roman Diaz Street sa Calinan.

Natuklasan ng mga pulis at mga sundalo sa isang checkpoint sa Barangay Lacson na may shabu sa kanyang bulsa ng ng siya ay nirekisa dahil sa mistulang balisa at natakot ng siya ay pigilin habang padaan sakay ng kanyang motorsiklo para lang sana sa isang routine inspection.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspect, ayon sa mga opisyal ng Davao City police at ng Police Regional Office-11. (Dec. 19, 2024, handout police photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *