
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang 24-anyos na residente ng General Santos City na pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga armado nitong bandang takipsilim ng Lunes, November 4, 2024.
Naganap ang pagpaslang kay Ritchie Perez Bactol sa Purok 6 sa Diversion Road sa Mabuhay sa General Santos City.
Pababa na ng sinasakyang tricycle si Bactol ng lapitan ng mga salarin at paputukan ng limang bases ng mga .45 caliber pistol.
Agad na namatay ang biktima sanhi ng mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan. (Nov. 5, 2024, handout photo)