BARMM may ‘Regional Plan of Action for Children’ na

Inilunsad nitong Lunes, November 4, 2024, ng Bangsamoro social services ministry ang Regional Plan of Action for Children (RPAC) na gabay para sa social workers sa pagpapalawak ng serbisyo para sa mga kabataan sa lahat ng sulok ng Mindanao autonomous region.

Pinangunahan mismo ni Bangsamoro Social Services Minister Raissa Jajurie and paglunsad ng RPAC sa isang seremonyang ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa kapitolyo ng rehiyon sa Cotabato City.

Sa mga hiwalay na pahayag ni Jajurie at ng mga kawani ng Ministry of Social Services and Development-Bangsamoro Autonomous Region, kanilang isinabay ang naturang aktibidad sa pagsimula nito ding Lunes ng pag-gunita ng
National Children’s Month.

Ang RPAC ay naglalayong maging mas masigasig pa ang pagpapalaganap ng child welfare and rights protection programs ng MSSD-BARMM, ayon kay Jajurie.

Nagpahayag ang labor and employment minister ng BARMM, si Muslimin Sema, ng suporta sa pagpapatupad ng RPAC, na ayon sa kanya ay makakatulong sa kanilang mga programa ng International Labour Organization ng United Nations sa pag-sawata ng child labor at paggamit sa mga kabataan bilang mga mandirigma. (Nov. 5, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *