Ang dating executive director ng Technical Education Skills and Development Authority na si Suharto Mangudadatu ay nag-hain na ng certificate of candidacy para pagka-governor ng Maguindanao del Norte sa Bangsamoro region nitong Biyernes, October 4, 2024.
Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Cotabato City nitong hapon ng Biyernes, naghain din ng kanilang mga COC ang tatlong mga kandidato sa pagka-board member ng Maguindanao del Norte na sina reelectionist Rommel Sinsuat, Soraida Biruar Ampatuan at Armando Lidasan.
Si Mangudadatu ay official candidate ng Al Ittihad, isang regional political party sa Bangsamoro region. Si Mangudatu, na naging governor ng maunlad ng probinsya ng Sultan Kudarat ng tatlong termino, ang siyang namumuno ng Al Ittihad at isa din sa mga founder ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Grand Coalition, o BGC.
Hindi newcomer sa governance at public administration si Mangudadatu dahil sa naging governor siya ng Sultan Kudarat kung saan tumanggap siya ng ilang mga parangal kaugnay ng kanyang pamamalakad ng provincial government ng naturang probinsya. Naging executive director din siya ng TESDA, ngunit nag-resign kaugnay ng kanyang planong pagkandidato ng governor ng Maguindanao del Norte.
Sinamahan si Mangudadatu, na residente na ng Datu Odin Sinsuat, sa kanyang paghain ng kanyang COC ng kanyang kabiyak na si reelectionist Maguindanao del Sur Gov. Mariam Mangudadatu, ng kanilang apat na mga anak at ilang mga political leaders sa Maguindanao del Norte.
Sumama din sa paghain ni Mangudadatu ng kaniyang COC sina Ainee Sinsuat, nahalal na vice governor ng dating buo pang Maguindanao na nahati na sa dalawang probinsya, ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. (October 4, 2024)