Motorista patay sa pananambang sa Pikit, Cotabato

Patay ang isang motorista sa pananambang sa bayan ng Pikit, Cotabato nitong hapon ng Biyernes, October 4, 2024.

Sa inisyal na ulat ng Pikit Municipal Police Station, sakay ng kanyang motorsiklo si Jomar Dilangalen Panday, kaangkas ang kanyang kabiyak, ng tambangan ng mga armado sa isang lugar sa Barangay Poblacion sa naturang bayan.

Sakay din ng motorsiklo ang mga bumaril kay Panday, na isa diumanong security aide ng isang kilalang indibidwal na sangkot sa “rido,” o away ng mga angkan, clan war sa wikang English.

Hindi naman binanggit sa inisyal na ulat ng pulisya kung sino ang employer ni Panday.

Mabilis na nakatakas ang mga pumatay kay Panday, na nadeklarang dead on arrival sa isang pagamutan kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan ng lunas. (Oct. 5, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *