Ilang pamilya sa Tampakan, may ‘pig-raising ayuda’

Tumanggap ng mga biik na bakunado na laban sa African Swine Fever at feeds ang 21 na mga pamilyang Blaan sa Barangay Danlag sa Tampakan, South Cotabato nito lang nakalipas na linggo kaugnay ng magkatuwang na corporate social responsibility projects ng kanilang tribo at ng isang pribadong kumpanya.

Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Koronadal City at mga karatig na bayan sa South Cotabato nitong Sabado, September 21, 2024, ang naturang swine dispersal project ng Sagittarius Mines Incorporated at ng mga opisyal ng Blaan Tribal Council sa Tampakan ay naglalayong madagdagan pa ang kita ng mga benepisyaryong mga pamilya para sa kanilang mga pangangailangan.

May permiso mula sa national government ang Sagittarius Mines Incorporated na mag-operate, magsisimula sa taong 2025, ng Tampakan-Copper Gold Project sa Tampakan, isang proyektong may ganap na pahintulot ng Blaan Tribal Council sa naturang bayan at ng National Commission in Indigenous Peoples.

Bagamat hindi pa nakapag-mina ng copper at gold sa Tampakan, gumastos na ng P2.6 billion ang Sagittarius Mines Incorporated para sa mga socio-economic, education, health and mga tribal empowerment projects sa naturang bayan, sa Columbio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani at sa Kiblawan sa Davao del Sur, ayon sa mga local executives ng naturang mga bayan, kabilang sa kanila si Kiblawan Mayor Joel Calma, Malungon Mayor Maria Theresa Constantino, at sa Columbio Vice Mayor Bai Naila Mangelen Mamalinta. (September 21, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *