![](https://nsjnews.com/wp-content/uploads/2025/01/image-196.png)
Nagalak ang mga etknikong Blaan na mga magulang at kanilang mga anak at mga guro sa Lampitak National High School (LNHS) sa Lampitak sa Tampakan, South Cotabato sa pagkakaroon ng water supply system sa naturang paaralan, proyekto ng kanilang tribal leaders at isang pribadong kumpanya.
Naging problema sa mahabang panahon ng mga guro sa LNHS ang kawalan ng supply na malinis na tubig sa loob ng kanilang campus na niresolba na ng local officials, ng mga Blaan tribal leaders at ng Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI.
Sa pahayag nitong Martes, October 29, ni School Head Jane Jumawan, masaya silang mga guro at mga estudyante ng LNHS sa pagkakaroon ng electric water pump at supply facility sa loob ng kanilang campus na magkatuwang na ginawa ng SMI at ng mga Blaan tribal leaders sa Tampakan, hindi kalayuan sa Koronadal City na kabisera ng South Cotabato.
Ayon kay Blaan tribal leader Domingo Collado, indigenous people’s mandatory representative sa Tampakan municipal council, matagal ng nagtutulungan ang kanilang tribo at ang SMI sa mga corporate humanitarian projects kahit na sa 2025 pa itong magsisimula ng copper at gold mining sa kanilang bayan batay sa pahintulot ng Malacañang, ng National Commission on Indigenous Peoples at ng Tampakan Blaan Tribal Council.
Ayon sa mga dalubhasa sa central office ng Department of Environment and Natural Resources at mga geologists sa Europe at Australia, ang copper at gold deposits sa mga Blaan ancestral lands sa Tampakan ang pinakamalaki sa South East Asia. (October 29, 2024)