Dalawa katao ang namatay sa pinakabagong kaso ang pananambang sa Cotabato City nitong hapon ng Huwebes, August 22, 2024.
Unang pinagbabaril ng mga armadong mga lalaking nakaabang gilid ng kalye sa Manday sa Cotabato City ang isang driver ng habal-habal, o pampasaherong motorsiklo, si Jonas Tampla, na agad namatay sa mga tama ng bala sa ulo at sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Patay on the spot si Tampla at may isang inosenteng tinamaan ng ligaw nab ala, si Reynon Escon, na pumanaw kalaunan sa Cotabato Regional Medical Center.
Hindi bababa sa 20 na ang napatay, mula 2023, sa mga serye ng mga walang tigil na pamamaril sa ibat-ibang barangay sa Cotabato City, ang capital ng Bangsamoro region.