Isang wanted na illegal gambling operator ang naaresto ng mga pulis sa Barangay Poblacion sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Linggo, January 12, 2025.
Kinumpirma nitong Lunes ni Brig. Gen. Romeo Juan Mapacapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na nasa kustodiya na nila si Edrees Laban Kamsa, naaresto batay sa warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City, may lagda ni Judge Annabelle Piang.
May itinakdang P48,000 na piyansa ang RTC Branch 13 para sa pansamantalang paglaya ni Kamsa.
Ayon kay Macapaz, kusa ng nagpaaresto si Kamsa ng dumating sa kanyang tirahan ang mga tropa ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, pinamumunuan ni Major Radzak Musa, at mga operatiba Maguindanao del Norte Provincial Police Office at pakitaan siya ng warrant of arrest kaugnay ng kanyang illegal gambling operation sa naturang bayan. (January 13, 2025)