
Nakumpiska ng mga pulis ang P340,000 na halaga ng shabu sa isang lalaking dealer at kasabwat niyang babae sa isang entrapment operation sa Barangay Arena Blanco sa Zamboanga City nitong gabi ng Huwebes, August 22, 2024.
Sa ulat nitong Linggo ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Station 4 ang dalawang suspects.
Kusang loob na nagpaaresto ang dalawa ng mahalata na mga kasapi ng naturang police station at mga operatiba ng PRO-9 ang kanilang nabentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa Purok 7 sa Barangay Blanco Arena sa Zamboanga City.