Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang residente ng Cotabato City, si Zulkarnain Mustapha, ng barilin ng ilang beses ng isang lalaki habang nakatayo sa gilid ng highway sa Barangay Limbo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Linggo, January 12, 2025.
Sa ulat nitong Lunes ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, mabilis na nakatakas ang pumatay kay Mustapha na may dinalaw lang diumano na kakilala sa naturang Lugar.
Si Mustapha ay residente ng Barangay Bagua sa Cotabato City, mga pitong kilometro lang ang layo mula sa kung saan siya binaril ng walang habas na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Jan. 13, 2025)