Kawani ng General Santos City LGU, timbog sa shabu

Arestado ang isang employado ng General Santos City local government unit at isang kasabwat sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 nitong Miyerkules.

Sa ulat nitong Huwebes ni Aileen Lovitos, director ng PDEA-12, agad na inaresto ng kanilang mga operatiba ang 30-anyos na Fiel Joseph Otacan at si Maria Luz Oraiz, 43-anyos, matapos magbenta sa kanila ng P14,000 na halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Sinawal, General Santos City.

Si Otacan ay isang market meat inspector ng Office of the City Veterinarian ng General Santos City LGU, ayon kay Lovitos.

Mapayapang nagpa-aresto sina Otacan at Orais ng mapuna na mga anti-narcotics agents ang kanilang ka-transaksyon sa isang entrapment operation na magkatuwang na nailatag ng PDEA-12 at ng mga unit ng Police Regional Office-12 na pinamumunuan ni Brig. Gen. James Gulmatico. (August 22, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *