Wanted sa panggagahasa ng mga menor-de-edad, arestado

Isang wanted sa panggagahasa ng mga kababaihang menor-de-edad ang natunton at agad na inaresto ng mga pulis sa isang liblib na lugar sa Barangay Titulok sa Bagumbayan, Sultan Kudarat nitong hapon ng Martes, October 8, 2024.

Kinumpirma nitong Huwebes ni Brig. Gen. James Gulmatico, director ng Police Regional Office-12, na naka-detine na si Patrocinio Semeniego, Jr. na naaresto ng mga magkasanib na mga operatiba Bagumbayan Municipal Police Station at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office sa Sitio Upper Gumban sa Barangay Titulok sa Bagumbayan sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Si Semeniego ay residente ng Purok Upper Supon sa Barangay San Jose, Koronadal City at nagtago sa bayan ng Bagumbayan ng malamang naglabas na ng mga warrant of arrest para sa kanya ang Branch 12 Family Court sa naturang lungsod nitong July 17, 2024, kaugnay ng mga kasong statutory rape na isinampa ng mga pamilya ng kanyang mga biktima.

Walang piyansang nirekomenda ang korte sa pansamantalang paglaya ni Semeniego. (October 10, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *