Isang Nissan Terra sports utility vehicle, may plakang FAN 4293, ang bumulusok sa malalim na butas sa isang bahagi ng highway sa bayan ng Kumalarang sa Zamboanga del Sur nitong gabi ng Miyerkules, October 23, 2024.
Inaayos ang sirang bahagi ng naturang highway kaya ito hinukay kaugnay ng naturang rehabilitation project.
Sa pahayag ng mga barangay officials sa naturang lugar, walang mga luminous reflectors ang mga warning devices na ihinarang sa naturang hukay at mabilis ang takbo ng sasakyang makikita sa larawan kaya ito naaksidente.
Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan ng malubha sa insidente. (October 24, 2024, handout photo, Levy Lumosbog Querubin)