Isang kasapi ng Regional Mobile Force Battalion12 na sakop ng Police Regional Office 12, si Patrolman Fahad Asmi Masula, ang agad na namatay ng masapol ang menamanehong kotseng Toyota Vios ng isang 10-wheeler truck sa Barangay Glamang sa Polomolok, South Cotabato nitong hapon ng Miyerkules, October 16, 2024.
Wasak ang Toyoya Vios ng nasawing 27-anyos na si Masula. Agad namang nagpakustodiya sa mga kasapi ng Polomolok Municipal Police Station na nagresponde sa insidente ang truck driver na si Ronnie Anggot Torino. (October 17, 2024, handout photos)