Nadakip sa isinagawang entrapment operation ang isang babae matapos magbenta ng 11-araw na lalaking sanggol sa isang undercover agent sa Quezon City.
Arestado ang babaeng suspek na miyembro ng isang Facebook group na nagsisilbing bentahan ng mga bata.
Isinailalim na sa inquest proceeding sa Department of Justice ang suspek at sinabing ipinabenta lamang umano sa kanya ang sanggol na anak ng kanyang kaklase.
Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang sanggol na nasagip upang mabigyan ng karampatang aruga at kalinga.
Source: Remate Online, January 16, 2025, Teresa Tavares