Ilang mga estudyante ang naiulat na nasaktan sanhi ng pagbulusok ng sinasakyang tricycle sa malalim na gilid na highway sa isang bahagi ng diversion road sa Tacurong City sa Sultan Kudarat nitong Martes, October 8, 2024.
Mabilis namang naka-responde sa insidente ang mga kawani ng Tacurong City Disaster Risk Reduction and Management Office at nabigyan agad ng paunang lunas ang mga estudyanteng nagtamo ng mga galos at pasa sa katawan dahil sa naturang aksidente. (October 8, 2024, handout photo, Jurgien Andres)