Agad na namatay sa mga tama ng bala ang may ari ng Renatanara Salon sa Daproza Avenue sa General Santos City ng pagbabarilin ng isang lalaking naka facemask sa loob mismo ng naturang establisyemnto nitong gabi ng Miyerkules.
Ang biktima, si Renante Tampus, ay binaril ng isang lalaki sa presensya ng ilang tao sa loob ng kanyang saloon na malapit lang sa General Santos City Police Station 1 at sa city hall ng lungsod.
Inaalam pa ng mga imbestigador ng General Santos City Police Office kung sino ang pumatay kay Tampus na mabilis na nakatakas.
Na-capture ng security camera sa loob ng salon ang pagpatay sa biktima. (January 16, 2025)