Isang pick-up truck na hindi pa naman luma ang bumangga sa isang poste sa gilid ng Sinsuat Avenue, uptown area sa Cotabato City napaka-aga pa nitong umaga ng Sabado, October 12, 2024.
Ang pinangyarihan ng aksidente ay ilang metro lang sa major intersection na nag-uugnay sa kapitolyo ng Bangsamoro region, sa Cotabato Regional Medical Center at ang People’s Palace na siyang local government operations center ng Cotabato City.
Inaantabayanan pa ang ulat ng Cotabato City Police Station 2 hinggil sa insidente. (October 12, 2024)