Sira ang isang lechon manok stall ng masapol ng isang pick-up truck sa aksidenteng naganap sa gilid ng highway sa Purok 8 sa Barangay San Vicente sa bayan ng Makilala sa probinsya ng Cotabato nitong madaling araw ng Sabado, August 31, 2024.
Nawalan diumano ng control ang driver ng pick-up truck kaya lumihis at nagawi sa gilid ng highway kaya nito nabangga ang lechon manok stall.
Sa inisyal na ulat ng Makilala Municipal Police Station, ang driver ng pick-up truck ay taga Panabo sa hangganan ng Davao City at Davao del Norte.
Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan ng malubha sa naturang aksidente. (August 31, 2024, handout photo)