Isang motoristang holdaper ang nagpa-gasolina muna sa isang gasoline station sa Barangay Sumadat sa Dumalinao, Zamboanga del Sur at, ng na-full tank na ang tangke ng kanyang motorsiklo, naglabas ng baril at hinoldap ang kahera ng establisyemento.
Naganap ang holdap incident nito lang tanghali ng Huwebes, August 29, 2024.
Nakunan ng holdaper ng P18,000 na cash collection ang naturang gasoline station, ayon sa Dumalinao Municipal Police Station.
Sa salaysay ng mga empleyado ng na-holdap na gasoline station, mabilis na tumakas ang holdaper patungo sa direksyon ng Pagadian City, kabisera ng Zamboanga del Sur, sakay ng kanyang motorsiklo.