Isang babae ang nagtamo ng malubhang mga sugat sa pananaga ng isang huramentado nitong Martes sa Barangay Cabaluay sa Zamboanga City.

Iniulat nitong Miyerkules ng Zamboanga City Police Office na nasa pagamutan na ang biktimang si Evelyn Andales Empirados, 35-anyos, na nataga sa braso at binti ng 47-anyos na si Simplicio Dahili.

Unang nakita ng mga saksi na nagwawala si Dahili malapit sa kung saan naganap ang insidente, tinatakot ang mga taong nakatingin sa kanya habang iwinawasiwas ang mahabang itak.

Biglang tumakbo patungo sa isang hindi kalayuang bakery ang suspect at ng makita doon si Emperidos agad na hinila ang buhok, kinaladkad at pinagtataga.

Pinagtulungang gulpihin si Dahili ng mga kalalakihang nakakita sa kanyang pananaga sa biktima hangang sa maagaw ang kanyang itak at naigupo.

Nasa detention facility na ng Zamboanga City Police Station 3 si Dahili, ayon sa Zamboanga CPO. (October 11, 2023) JOHN UNSON in Cotabato City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *