Arab patay, Pinay na misis sugatan sa ambush

Patay ang isang Saudi Arabian national habang sugatan naman ang kanyang kabiyak na Filipina sa isang ambush nitong gabi ng Huwebes, October 10, 2023, sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Magkahiwalay na kinumpirma nitong Miyerkules ni Shariff Aguak Mayor Datu Akmad Baganian Ampatuan at ni Col. Joel Rullan Sermese ang naturang pananambang na nagsanhi ng agarang kamatayan ng Arab na si Solaiman Jamal at pagkakasugat ng malubha ng kanyang misis na si Bainor, isang etnikong Maguindanaon.

Sakay ng kanilang putting Ford pick-up truck ang mag-asawa patungo sa isang lugar ng pagbabarilin ng mga kalalakihan habang padaan sa highway di kalayuan sa sentro ng Shariff Aguak.

Kinondena ng Ampatuan ang pagkakapatay kay Jamal, na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo, kasabay ng kanyang pag-alok ng gantimpala sa makakatulong sa Shariff Aguak Municipal Police Station na kilalanin ang mga responsable sa pagpatay kay Jamal na mabilis na nakatakas.

Ayon kay Ampatuan, inatasan niya ang mga kasapi ng Association of Barangay Captains sa Shariff Aguak na tumulong sa pagkilala ng mga salarin upang masampahan agad ng kaukulang kaso. (OCTOBER 11, 2023) JF Unson, Cotabato City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *