Higit 2M katao apektado ng Bagyong Kristine

MANILA — Nasa kabuuang 2,077,643 katao o 431,738 pamilya sa bansa ang apektado ng Severe Tropical Storm Kristine, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, Oktubre 24.

Sa situational report, sinabi ng NDRRMC na ang mga apektadong populasyon ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Caraga, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Cordillera Administrative Region.

Karamihan sa mga apektadong indibidwal ay iniulat sa Bicol sa 1,669,507, sinundan ng BARMM na may 351,913.

Sa kabuuang apektadong populasyon, 163,184 katao o 43,463 pamilya ang tumutuloy sa mga evacuation center habang 32,877 katao o 8,003 pamilya ang tumutuloy sa ibang lugar.

Iniulat ng NDRRMC na mayroong pitong naitalang nasawi, pito ang nawawala at apat ang iniulat na nasaktan sa Ilocos Region, Calabarzon, at Bicol dahil sa bagyong Kristine ngunit biniberipika pa ang mga ito.

Mayroong 1,007 tirahan ang napinsala ng bagyong Kristine, 916 partially at 92 totally damaged.

Aabot naman sa P250,000 halaga ng mga pasilidad ang nasira.

Source: Remate Online, October 24, 2024, RNT/JGC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *