Guro, mag-aaral sa Islamic schools, nagka-ayuda mula sa BARMM officials

Mahigit 100 na mga Madaris teachers at learners, o mag-aaral, sa mga bagong tatag na Old Kaabacan at Kapalawan municipalities ng Bangsamoro region ang tumanggap nitong Biyernes, January 10, ng cash assistance mula sa tanggapan ni Bangsamoro Parliament Member Kadil Monera Sinolinding, Jr. at ni Regional Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.

Ang Old Kaabacan at Kapalawan ay sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ngunit nasa loob ng probinsya ng Cotabato sa Region 12. Ang gobernadora ng Cotabato, si Emmylou Taliño-Mendoza, ay isang masigasig na supporter ng mga programang naglalayong mapalakas at mapalawig ang Madaris education system sa kanilang probinsya.

Abot sa 84 Madaris teachers ang tumanggap ng P8,000 sa naturang dalawang mga bayan habang 177 naman na mga mag-aaral ang nabigyan ng P4,000 bawat isa sa naturang outreach activity, isinagawa ng mga empleyado ng tanggapan ni BARMM lawmaker Sinolinding na siya ring regional health minister ng BARMM.

Ang pamimigay ng naturang mga immediate cash assistance ay isinagawa sa field office ni Minister Sinolinding, isang physician-ophthalmologist, sa Barangay Kayaga sa Kabacan, Cotabato.

Ayon sa mga tumanggap ng cash assistance, malaking tulong para sa kanilang mga pangangailangan sa pagpasok sa mga Islamic schools tuwing araw ng klase ang cash assistance na ipinaabot sa kanila ni Minister Sinolinding. (January 11, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *