Sulu Airport Development Plan ilalatag na

Nagkasundo ang provincial officials at mga kinatawan ng Bangsamoro government na magtulungan sa pagsagawa ng Sulu Airport Development Plan bilang suporta sa ngayon ay umuunlad ng komersyo sa mapayapa ng probinsya ng Sulu.

Lumagda nitong Huwebes, August 29, 2024, sa isang Memorandum of Understanding, o MOU, kaugnay ng pagsasagawa ng Sulu Airport Development Plan sina Sulu Gov. Hadji Abdusakur Mahail Tan, Sr., si Attorney Ranibai Dilangalen na opisyal ng Bangsamoro Airport Authority ng regional transportation and communications ministry, at si Amil Abubakar na deputy director ng Bangsamoro Planning and Development Authority.

Pinasalamatan nitong Biyernes ni Minister Paisalin Pangandaman Tago ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang administrasyon ni Sulu Gov. Tan sa naging matagumpay na pagkakabuo ng MOU kaugnay ng kanilang magkatuwang na pagsasagawa ng Sulu Airport Development Plan, proyektong tutustusan ng BARMM government.

Ang pinaplanong malaking Sulu Airport ay itatatag sa boundary ng mga bayan ng Maimbung at Talipao, ayon sa pahayag nitong Biyernes ng BARMM officials.

Ginanap ang paglagda ni Sulu Gov. Tan at mga kinatawan ng regional government ng naturang MOU sa Sulu Area Coordinating Center sa Bangkal sa bayan ng Patikul, dinaluhan ng 19 na mga mayors sa Sulu, ni Bangsamoro Parliament member Nabil Alfad Tan, ni Sulu Vice Gov. Abdusakur Tan, Jr., ni Sulu Provincial Planning and Development Officer na si Enginer Bertrand Chio at mga representatibo ng local sectors, at mga opisyal ng pulisya at ng militar sa probinsya (August 30, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *