Salpukan ng bus, sports utility vehicle sa Alcoy, Cebu

Parehong nagtamo ng kasiraan ang isang Isuzu DMax 4×4 sports utility vehicle at isang bus na nagsalpukan sa Barangay Daanlungsod sa bayan ng Alcoy sa probinsya ng Cebu nitong bandang tanghali ng Linggo, Nov. 3, 2024.

Sa pahayag nitong Lunes ng Alcoy Municipal Police Station, nawalan ng control ang driver ng Isuzu DMax na si Roy Miranda Alvizo, nagawi sa kabilang linya ng highway kaya nito nabangga ang gilid ng Vallacar Transit Bus na minamaneho naman ni Domingo Amarello Alegado.

Ang Isuzu DMax ay naka-rehistro sa Cebu 2nd District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sanhi ng naturang aksidente.

Parehong nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang mga sasakyang nasangkot sa aksidente. — Nov. 4, 2024, handout Facebook image

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *