
Isang pulis at tatlong iba pa ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos nilang mabilhan ng P13.6 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay San Raymundo sa Jolo, Sulu nitong Huwebes, September 12, 2024.
Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nahaharap na sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang apat na nakakulong ng mga suspects, sina Sgt. Radjah Ismula, na aktibong kasapi ng Philippine National Police, si Andam Alidjam, Rashi Jallaw at ang kanilang kasabwat na babaeng si Midarmi Alidjam.
Ayon kay Castro, naisagawa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng tanggapan ni Sulu Gov. Hadji Abdusakur Tan, Sr. at ng ibat-ibang unit ng Sulu Provincial Police Office.
Gagamiting ebidensya sa pagsampa ng kaukulang kaso laban sa apat na nakadetineng mga shabu dealers ang P13.6 million na halaga na shabu na nasamsam mula sa kanila, ayon kay Castro. (September 13, 2024)