![](https://nsjnews.com/wp-content/uploads/2025/01/19.jpg)
Patay on the spot ang isang off-duty security guard na dating kasapi ng Philippine Army sa panibagong insidente ng ambush sa Cotabato City nitong gabi ng Miyerkules, August 28, 2024.
Pauwi na sa kanila si Siegfried Racky Flor Alivia, 36-anyos, angkas ang anak na isang grade school pupil ng tambangan sa isang bahagi ng Peñafrancia Street sa Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.
Ang biktima at kanyang pamilya ay nakatira sa Purok Pag-Asa sa Barangay Rosary Heights 10.
Natagpuan ng mga police forensic experts ang ilang .45 caliber na basyo sa kapaligiran ng kung saan naganap ang krimen.
Inaalam pa ng mga imbestigador ng Cotabato City Police Precinct 2 kung sino ang responsible sa ambush na nagresulta sa pagkamatay ng ex-Army na si Alivia.