
Nasawi sanhi ng pagkalunod sa Libungan River sa bayan ng Libungan sa probinsya ng Cotabato ang isang mangingisda, si Gilbert Lagrimas Cardoza, 29-anyos, nitong New Year’s Day, January 1, 2025.
Sa mga hiwalay na mga pahayag nitong Huwebes, January 2, 2025, ng mga opisyal ng Libungan Municipal Police Station at Libungan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, wala ng buhay ng matagpuan si Cardoza sa isang bahagi ng Libungan River, matapos ang ilang oras na search operation matapos iniulat ng kanyang kabiyak, si Concepcion, ang kanyang pagkakawala habang nangingisda sa naturang ilog.
Posible diumanong nagawi sa malalim na bahagi ng Libungan River si Cardoza at tinangay ng malakas na agus ng tubig hanggang tuluyan ng malunod at namatay. (Jan.2, 2024)