Namaril, nakasugat ng biktima sa Bulacan, arestado

Nalambat sa hot pursuit operation ng mga pulis ang 31-anyos na magsasaka na umano’y namaril na ikinasugat ng 29-anyos na lalaking nakainuman niya nitong gabi ng Enero 13 sa bayan ng Bustos sa Bulacan.

Narekober ng mga pulis sa operasyon ang caliber. 22 rifle at magazine at tatlong bala sa suspek habang ginagamot naman ang biktima sa Bulacan Medical Center.

Samantala sa bayan ng Plaridel, bandang alas-12:45 ng madaling araw nitong Enero 14 arestado rin ang umano’y lalaking lasing na nagsisigaw, may dalang itak at pumalag sa mga rumespondeng pulis.

Nahaharap ang mga suspek sa patong-patong na kaso habang nakakulong sa istasyon ng mga pulis humuli sa kanila.

Source: Pilipino Star Ngayon, Jan. 15, 2025, Omar Padilla 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *