![](https://nsjnews.com/wp-content/uploads/2025/01/image-125.png)
Patay agad sa mga tama ng bala ang isang commander ng Moro Islamic Liberation Front na kilalang masigasig ang suporta sa mga law-enforcement operations ng pulisya habang sugatan naman ang kanyang tauhan na na-ambush sa isang bahagi ng Sultan Kudarat-Cotabato City-Datu Odin Sinsuat Diversion Road nitong tanghali ni Linggo, October 13, 2024.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Cotabato City Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, sakay ng isang pulang multicab si Hadji Norodin Alipulo Mama, commander ng malaking grupo ng MILF sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, ng sila at tambangan ng mga armado sa naturang lugar.
Agad na pumanaw sa mga tama ng bala si Mama sanhi ng naturang ambush na nagresulta sa pagkasugat ng kanyang kasamang si Esmael Zainodin Balabagan. Si Mama ay residente ng Barangay Semba sa Datu Odin Sinsuat habang si Balabagan naman ay taga Dinaig Proper sa naturan ding bayan sa probinsya ng Maguindanao del Norte.
Patungo sana sa Kakar Area sa Cotabato City mula sa Dato Odin ang dalawa ng sila ay tambangan ng mga armadong mabilis na nakatas gamit ang mga motorsiklo. (October 14, 2024)