Naghain na nitong Sabado, October 5, 2024, ang reelectionist mayor ng Lamitan City, si Roderick Herrera Furigay, mas kilala bilang s “Oric,” ng kanyang certificate of candidacy na kailangan sa kanyang kandidatura para sa ikalawang termino.
Ang Lamitan City ay natuturingan bagong destinasyon ng mga investors mula sa ibat-ibang rehiyon at sa ibang bansa dahil sa mga agricultural projects na maaring isagawa sa mga barangay na sakop nito.
Nagtutulungan si Mayor Furigay at si Basilan Gov. Jim Salliman, ang 101st Infantry Brigade at ang Basilan Provincial Police Office sa pagpapalawig ng seguridad at kapayapaan sa ngayon ay “Abu Sayyaf free,” o wala ng presensya ng Abu Sayyaf, na Lamitan City.
Kilala ang Lamitan City sa pagkakatanggap nito ng lima na na mga special na Seal of Good Local Governance (SGLG) award mula sa national office ng Department of the Interior and Local Government dahil sa mabuting pamalalakad ng mayor’s office at mga departmento nito ng mga health, social welfare, education, environment-protection at peace and security programs sa mga barangay na sakop nito. (October 6, 2024)