Lalaki patay sa pamamaril sa Buluan, Maguindanao del Sur

Agad na namatay sa tatlong tama ng bala si Sadam Idsa, 34-anyos ng barilin ng tatlong beses sa sentro mismo ng Buluan sa Maguindanao del Sur nitong gabi ng Huwebes, October 24, 2024.

Ang Buluan ang siyang kabisera ng Maguindanao del Sur.

Nilapitan ang biktima ng mga lalaking armado at binaril ng tatlong beses na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan. Mabilis na nakatas ang mga salarin, ayon sa mga saksi.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Buluan Municipal Police Station hinggil sa insidente. (October 25, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *