Babae patay, kapatid sugatan sa ambush sa Zamboanga City

Patay on the spot ang isang 45-anyos na babae habang sugatan naman ang kanyang kapatid na lalaki ng harangin at paputukan ng armadong motoristra habang sila ay sakay ng isang tricycle sa Zone 4 sa Barangay Maasin sa Zamboanga City nitong tanghali ng Martes, October 29, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9, ang nasawing si Elisa Isidro Eusebio at ang kanyang 35-anyos na kapatid na si Ronald Isidro Eusebio ay mga residente ng Barangay Tumaga sa naturang lungsod.

Patungo sana sila sa barangay hall ng Maasin, sakay ng tricycle na minameneho ni Joseph Ruiz Carpizo, ng biglang may motoristang humarang sa kanila at agad silang pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang namaril sa kanila gamit ang kanyang motorsiklo. (October 30, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *