
Inilunsad nitong umaga ng Sabado, September 7, 2024, ng mga kilalang leaders sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang “Batayang Sektor BARMM,” samahan ng nga representatibo ng ibat-sektor na naglalayong isulong ang ibat-ibang mga peace and community empowerment programs sa rehiyon.
Kabilang sa mga opisyal na nangako ng suporta sa Batayang Sektor BARMM sina Bangsamoro Regional Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim at Labor and Employment Minister Muslimin Sema at malaking bilang ng mga community leaders sa Cotabato City ay mga karatig na mga bayan.
Isa sa mga panauhin sa naturang aktibidad, ginanap sa gymnasium ng Cotabato State University, ang national president ng Partido Federal ng Pilipinas na si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. at si Bai Sandra Sema, ang dating congressional representative ng unang distrito ng Maguindanao, ngayon Maguindanao del Norte na, na sakop din ang mga barangays sa Cotabato City.
Sumanib na si ex-congresswoman Sema sa Partido Federal ng Pilipinas, nanumpa ng katapatan sa partido, nito lang nakalipas na buwan sa tanggapan ni Gov. Tamayo sa Koronadal City, ang kabisera ng South Cotabato. (September 7, 2024)